gusto ko mag post..

November 26, 2008

Gusto ko mag post.

dahil sa wala lang, gusto ko lang.

kahit alam ko na walang kakwentang  kwenta mga sinasabi ko

 at palagay ko ay wala maidudulot to, ay okay lang.

 kasi blog ko naman ito.

walang pakilamanan hindi ba? 

oo alam ko na maraming buwan na halos wala ako dito  na laging nasa ‘hiatus stage’ ang dating ng blog na ito..

 pero ganun pa man ay hindi ko naman maiiwan itong blog ko na hindi ko masilip man lang.

 kahit isang saglit. 

( oo alam ko kanta yun)..

pero bakit nga ba ako nag susulat?

bakit hindi ko maiwasan?

at pag nangangati ang daliri ko..

( naku, walang malisya ha..)

nangangati ang daliri ko sa pag type sa keyboard

ay dito ako sa balay ko pumupunta..

dahil siguro sa parte na ng buhay ko?

maari..

dahil siguro sa walang magawa?

pwede..

tama man ang nabanggit ko,

isa rin talaga ang dahilan..

kung bakit ako nandito..

dahil sa iyo..

oo

sa iyo kung sino ka man

sa oras na binibigay mo,

para lang basahin

o pasyalan man lang ang balay ko

ay sapat na yun

at kung swertehin pa

ay nag iiwan pa ng mensahe

isa lang ang masasabi ko..

salamat.

sapat na itong dahilan, para hindi ko lisanin ang blog na ito

sapat na ito upang malaman ko

na

mahalaga rin pala ito..

Gusto ko mag post.

dahil sa wala lang, gusto ko lang.

 

tenchu my Buddy..

November 22, 2008

 

blogger-buddy

The Rules:
1. Each blogger must post this rules.
2. You need to choose at least ten people to be awarded and list their names.
3. Don’t forget to leave them comment telling them they’ve been tagged and to read your blog.

thanks sa award.. kung hindi pa ako bumisita sa iyong bahay hindi ko pa malalaman na binigyan mo laht ng blogroll mo ng award.. at isa pala ako dun! jeez… nakaka touch po.. ( hiya tuloy ako.. hehehe..) akalain mo kahit minsan lang mag post ay nagkaroon pa ng award.. thanks po burinj!

hindi ko na ipapasa toh.. dahil alam ko lahat kayo meron na.. pasaway muna ang drama ko ngayon.. ;)

yes,yes,yo!!!

November 22, 2008

ayayay grabeeeeeeeeeeh!!! excited na ako talaga pwamis panis! 2 weeks to go at pinas here I come!!!! hehe.. grabe na itetch, paano ba naman, pers tym ko umuwi ulit noh.. at talagang planado ko talaga na sa pasko umuwi..  para mas happy at talagang sulit to the max! hays ang dami ko kaya na miss noh! hindi ba halata? :)

ngayon pa nga lang, iniisip ko na na for sure marami ako pwedeng pag ka abalahan, ngayon pa nga lang ay marami na ako iniisip na pwedeng puntahan, pasyalan kasama ang aking happy big family. at kahit maubos ang pera ko at maging mahirap pa sa daga pag balik dito, ay walang katapat naman ang saya na makukuha ko once makasama ang family at mga kaibigan ko. it’s all worth it naman divah?  totot naman eh..

sana, sana talaga magkaroon ako ng time para makapag blog ulit sa susunog na buwan, para maisulat ko naman ang mga nagawa at ngyari sakin sa pag uwi ko.. at kung may time pa, ay talagang mag post pa ako ng pictures… hehe.. yahoo! yahoo!! uuwi din ako!!! sa wakas! ;)

cge back to work ulit, gusto ko lang talaga ma singit ang pag post ko dito.. pero for sure, sa susunod na post ay baka nasa pinas na ako nun.. hehe.. kalas muna sa ngayon! :)