nabibilang na araw..
October 18, 2008
Ilang araw na lang at sa wakas ay makaka uwi narin ako sa Pinas. talagang sinadya ko na sa pasko ang baksyon ko para talaga sulit dahil syempre hindi hamak na mas masaya ang pasko satin kesa dito sa Dubai. hindi ko pa kase keri ang lungkot at kadramahan na mararamdaman ko kapag dito ulit ako sa UAE mag pasko. lalo na ngayon na ako na lang ang nag iisa at wala ako kapatid, pinsan o kamag anak na makakasama man lang. oo at meron naman akong mga kaibigan na pwedeng makakasama, pero iba parin talaga kung ang pamilya mo hindi ba?
okey lang kung pag balik ko dito e magiging start to zero ulit ako o maging mahirap pa sa daga. ang mahalaga, meron man lang ako ibibigay na pasalubong at makita ko na masaya sila o nagustohan nila ang mga ito. katunayan nga e, unti unti na ako nag iipon ng mga ibabalik bayan box ko para saking daddy, mommy, sa mga kapatid at mga pamangkin. walang katumbas ang makita mo sila, makasama kahit isang buwan lang ayyayyay! daig mo pang ang manalo sa lotto nun! pwamis panis. ang mga katulad ko na nagtrabaho sa ibang bansa, ay gets na gets ang sinasabi ko.
excited na talaga ako, at iniisip ko na kung ano ang mga pwedeng mangyari sa pag uwi ko. at kung ano mga pwedeng gawin. siguradong madadagdagn nanaman ang timbang ko sa sarap ng mga handa sa noche buena. at syempre mabibingi at mapapahuwaw naman sa lakas at epeks ng mga paputok. siguradong walang kamatayan ang kamustahan sa bawat isa at chickahan sa mga kaibigan, kamag anak at kahit narin sa mga kapit bahay.
ang magiging bakasyon ko ay magsisilbing ‘battery’ para sa akin, dahil pag balik ko ay fully charged na ulit ako at handa ulit na makipag sapalaran at harapin ang buhay dito sa Dubai. naku ah, ang drama ko.. hala, tama na nga to. kalas! hehe..


October 18, 2008 at 7:
hi! dhez… uwi ka din pala sa Pinas ang dami natin uuwi, ang saya kase magxmas sa Pinas! iba ang feeling kaya lng dec. 27 nakuha kong booking ok lang don naman ako mag new year.
Napuno ko na rin box ko inagahan ko talaga para umabot sa x-mas last year kase di umabot yung pinadala ng sis ko… yahoo… lapit na tayo uwi!
October 19, 2008 at 9:
bakasyon mo na… hayzz ako dito pa rin xemppre… pero ilang buwan na lang uwi na rin ako pinas yehey!
October 28, 2008 at 5:
welcome home dhez!!! *hug tight*
October 28, 2008 at 10:
wow!! uuwi ka din pala lola…dami pala nating dubai peeps na uuwi para sa pasko e……basta kahit maubos ang pinaghirapan sa dubai makasama lang ang pamilya…go!!
happy vacation!!!mwah!!!