okay, okay I know..
April 13, 2008 at 11: | In everyday thing, experiences, la lang, stuffs |Tags: Inang Kalikasan o Mother Earth, katamaran, yummy foods
Oo na, alam ko naaaaaapaka tagal ko nanaman hindi mag post.. sa totoo lang madami talaga ako gusto ipost dito kaya lang cguro, nag hahanap lang ako talaga ng right timing para maikwento ko lahat dito.. (kunwari lang dahil tinatamad lang ako.) Hindi… pero yun nga, ayoko lang mapressure when it comes to blogging.. anyway, it’s my blog kaya walang pakialamanan ng trip! ( ang taray ba? haha..) hay, ang init nanaman dito sa dubai, pero ang alam ko ay naaaapaka init din daw satin.. naku dapat na talaga maging aware tayo sa tinatwag na global warming.. (warning ba o warming?) talaga naman.. kung hindi pa tayo nakakaransan ng paiba iba ng panahon ay hindi pa tayo magiging aware sa ating kalikasan.. hay.. nakaka lungkot din isipin .. pero di pa naman huli ang lahat hindi ba?
Grabe unang post ko lang pala sa buwan na ito, kung hindi ko pa tingnan o bisitahan ang bahay ko.. naku hindi ko akalain na puno na pala ng sapot at alikabok.. at panigurado huli na ako sa balita sa mga bahay ninyo.. ( lagi naman ako huli na sa balita e.. ahehehe.) wawa tuloy ang bahay ko.. sori ha..
Wow! may Otap ako!! pasalubong sakin ng kaopisina ko na kakabalik lang galing sa pinas.. likas na talaga sakin ang mababaw ang kaligayahan.. kaya ganyan na lang ang reaction ko..isipin mo binigyan ako ng otap as pasalubong? yummy… hehe.. ayus may makakain na naman ako. Alam ko masama ang mainggit pero nainggit ako sa mga kwento niya samin.. pano ka ba naman hindi maiingit eh nag spend sila ng bakasyon sa cebu at bohol.. hay.. sarap pumunta dun! wish ko lang, pag uwi ko makapunta ako kahit isa lang sa mga lugar na never ever ko pa napupuntahan.. traveling rocks!! iba talaga ang pakiramdam pag nakapagtravel ka..
Sa pag tapos ng post ko ngayon.. ito ang Shamrock’s Otap na galing pa sa Cebu.
ang babaw ko noh? akalain kuhain ko pa ng picture, kung tutoosin ay makakabili naman ako ng otap sa mga filipino stores dito. Pero iba parin yung may maka alala sayo na bigyan diba? at fresh from cebu pa yan! hay, ang babaw ko talaga! haha.. it’s the thought that counts naman e? Shamrock.. hindi ba name ng banda yun? ayus!
7 Comments »
RSS feed for comments on this post. TrackBack URI
Leave a comment
Blog at WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.


sarap tlga yang otap… penge ako…
Comment by Rhapsody — April 13, 2008 #
@ Rhapsody - halika sis punta ka samin para mabigyan kita..
Comment by dhez — April 13, 2008 #
…hehehe!ganyan naman ang reaksyon ng mga pinoy na wala sa pinas..lahat ng pasalubong from pinas talagang sarap kainin. happy eating!!=)
Comment by sommer — April 14, 2008 #
mas nauna yung otap kesa sa banda..ahehe, dinefend eh haha..sarap noh?
yan pinapasalubong ko sa mga tao sa manila din 
Comment by lilmiz — April 15, 2008 #
hehe sarap nga nyan.
tsalap din nun.
sana next time may magbigay din sa u, dried mangoes
Comment by camilleeee — April 16, 2008 #
otap! gusto ko niyan sa kape…

at, oo nga pala… TAG!
Comment by bursky — April 17, 2008 #
[...] tag ko naman sina… rhapsody, dhez, sharmaine, menggay, at sis [...]
Pingback by Lalaine’s Tag « c.a.m.’s — May 19, 2008 #