heavy na, umaapaw pa etc..

January 15, 2008

grabe umuulan din pala dito sa Dubai, halos ilan days narin ang tag ulan dito.. malamig na nga umuulan  pa. pansin ko ang weather dito ay napaka extreme, sobrang init pag tag init at sobrang lameeeeg pag tag lamig. pansin ko din dito, e hindi maganda ang drainage system nila dito.. paano kasi hindi talaga uso ang umulan ng pag katagal tagal. hindi nila naiisip na possible palang bumaha rin dito.. umaapaw din pala ng tubig..  :)

halos 3 hrs ako naka upo sa carlift ko, aba buti na lang at hindi ako naihi sa tagal ng byahe.. ang sakit na nga ng pwet ko, dahil bukod sa heavy rains ay ubod pa ng trapik!! hay.. imagine, 6:30 ako sinundo at nakarating kami ng 9:30 na ng umaga ngayon sa office? Mabuti na lang at halos lahat dito sa office e na late.. kaya wala kaming red mark ngayon pag nag time in kami.. 

    bush.jpg     Oo nga pala  maisingit lang, bumisita pala ng nakaraan araw si tito george para alamin kung anu ba meron dito sa Dubai..  iba talaga si tito george akalain mong pina holiday niya ang Dubai dahil pupunta lang siya dito? Gusto niya kasi na maluwag ang daloy ng trapiko kapag dumaan siya dito.. ibang klase talaga si tito at napaka sosyal pa, everytime na bumibisita siya sa ibang bansa ay masasabing fully geared at napaka boyscout niya. laging handa ba, aba ang daming niyang staff na kasama, ultimo ang eroplano niya ay ubod ng high tech. ang alam ko nga e, kung sakili magkagulo ang mundo e, safe parin si tito george dahil sa kanyang air force one.

 laking thank u kay tito dahil wala kaming pasok ulit, nag bilang anghel talaga siya. kahit cguro ang aking kapitbahay na si rhapsody e natuwa rin!  ;)

18 Responses to “heavy na, umaapaw pa etc..”

  1. sommer Says:

    …hiyee! nakita kita ke rhapsody, dubai ka din pala. grabe, halos lahat ng pinoy nagulat at nainis sa ulan dito sa dubai noh? what is baha sa lack of drainage system!he3!

  2. dhez Says:

    @ sommer – waaaah ang hirap pag umulan dto!!! huhuhu… sharja pko e!!its my perstym na maexperience ito…

  3. dhez Says:

    @ yishun – thanks for dropping by, balik ulit pag ala magawa ah! ;)

  4. lilmiz Says:

    umuulan din pala dyan? himala! ahehe. buti na lang at di kayo nimark na late :)

  5. carlotta Says:

    wow sana ganyan din dito pag dumating si tito george hehehe :D

    kala ko naman naa-absorb ng buhangin ang tubig pag umuulan.

  6. jojie Says:

    sister sa jeddah umulan din daw sabi ni manong. tuwang-tuwa nga. LOL!

  7. Rhapsody Says:

    tumpak ka kapatid kong maganda! ksi tuwang tuwa ako tlga hehehe.

  8. pusa Says:

    hey anlufet nalimutan nga yata nila maglagay ng drainage system nun nagplan sila ng infrastructures jan hhehehe i just received a photo lagpas kotse un baha :) hope di kayo nabahaan jan


  9. nagbabaha jan sa dubai? paano na yung burj dubai baka malunod!

    kaya siguro hindi pa tumatawag ang ina ko..

    naku, baka inanod na nang baha yun!

  10. dhez Says:

    @ lilmiz – hay oo umuulan din pala dito, uso rin pala dto akala ko hindi.. thanks! ;)

  11. dhez Says:

    @ carlotta – sa pagka alam ko nung pumunta sya satin wala din pasok tyo noon.. balik ka ha.. ;)

  12. dhez Says:

    @ jojie – nsa jeddah pala fafa mo ah… malamng umulan din dun.. :)

  13. dhez Says:

    @ rhapsody – hehe..sabi ko na e natuwa karin dun.. buti nmn at natigil din ang ulan noh?

  14. dhez Says:

    @ pusa – hay oo tlga.. ndi nila naisip yon, dapat naman talagang may drainage system in every infrastructure n gagawin, SOP na un e.. u see pala some pictures nun? :)

  15. dhez Says:

    @ kingdaddyrich – hay, dont wori hndi naman nalunod sya.. ayun nakatayo parin naman.. ala na ulan,musta n pla mom u? sana ok nmn sya.. :)

  16. MARU Says:

    Noong nagwo work pa ako diyan wala pang problema sa baha. Ang problema lagi pag umuulan na halos nangyayari once a year lang naman ay yung banggaan ng mga sasakyan. Mahina na ang 5 sasakyan na nagkakarambola dahil sa dulas ng mga kalsada at mukhang hindi sanay mga motorista diyan pag basa ang kalsada. Nways, mayaman naman ang bansa na yan sana may solution na agad yan. Ingat.

  17. dhez Says:

    @ Maru – wow ang dyosa ng mga dyosa nag comment sa akin!! thanks maru sa pag bisita.. ngayon ko lng nlman na nag work kapa la noon dto, oo nga kadalasan talaga ang mga aksidente dito, kahit nga hindi umuulan ay natural ng may aksidente. salamat ulit. :)


Leave a Reply