salamat
December 5, 2007
alam ko mejo, hindi lang pala mejo nalito kayo sa post ko nung nakaraan, birthday ko po ang araw na ito.. pasensya na.
wow, 28 na ako at hindi ko parin matangap na bente otso na pala ako… parang kailan lng, eto parin ako may pagka isip bata parin… sabagay, masarap parin ang maging isip bata..
since this is my blog, pagkakataon ko na ito para magpasalamat.
unang una, thank you to our Lord, salamat dahil marami akong blessings and i mean blessings na up to now ay hindi ko akalain ibibigay niya sa akin I am not worthy enough, but then his always there for me.. to HIM be glorified!
my family and friends , salamat dahil hindi ko akalain marami pala nag mamahal sa isang katulad ko.. salamat sa pagmamahal at supporta sa anu man nais kong gawin sa darating pang ever loving life. i love you.
at syempre hinding hindi ko malilimotan kayo ( kung sino man ang nagbabasa nito) oo natural kayo mga kaibigan ko sa blogster na ito. hindi ko man mabanggit ang inyong mga pangalan gusto kong malaman ninyong lahat na malaking impact kayong lahat sa akin, salamat sa walang sawang pagbibigay ng saya. sa lungkot man at sa ligaya, andyan kayong lahat para sa akin.
bagamat hindi tayo lubos na magkakilala, ay ipinakita ninyo ang importansya sa isang katulad ko. mahal ko kayo. salamat sa wordpress at wordpresspinoys mabuhay kayo. inuulit ko mabuhay kayo. maraming, maraming salamat ulit.

