uuuyy.. gusto nyo pa ba basahin..? buti hindi kayo napagod. pasensya na dahil malapit na talaga ang uwian e.. kaya pinutol ko muna. san na ba.. ah eto na

hanggang sa naging highskul na ako. hay highskul.. :) kung gradeskul ay mahilig ako lumabas ng bahay, noong highskul ay iba naman ang drama ko. hindi na ako pala labas nun. nag iba na ang aking mga hilig, doon ako napahilig sa pagbabasa. hindi ba uso dating ung mga pang teens na pocketbooks? o mga pa tweetums na pocketbooks? minsan ko narin nabasa ang sweet valley high o nancy drew kahit mga comic books gaya ng archie, jughead pati pupong o pugad baboy ( na hanggang ngayon ay eni enjoy kong basahin ) ay binabasa ko. hindi rin lumampas sa akin ang mga gawa ni jessica zafra, mga inspirational books gawa ni joshua harris at pati lahat ng mga na basa ko na chicken soup. ewan ko kung alam ninyo yung youngblood? isang feature article galing sa philippine daily inquirer na inipon at ginawang libro.  hanggang ngayon pa  naman gusto ko parin ulit ulitin ang iba sa mga huling nabanggit kong libro.  syempre hindi lang naman pag babasa ang nakahiligan ko. pati ang pag crosstitch ay minsan naging libangan ko. natural pag nag highskul, andyan yung mga tinatawag na ‘first time’ . first crush, first barkada, first gimmick, first cutting class? etc. dun ako naging isang dakilang pasaway ( ay, mali..mali hehe..) pasaway sa kakulitan. :)   kahit paano ay naging active ako nung highskul, sumali sa mga tinatawag na samahan,clubs, society o kahit anong pang gusto nyo itawag doon. ang mga school fairs, field trips pati narin ang JS prom at iba’t ibang mga extra curricular activities. cguro baka akalain  nyo un lang ang mga pinag gagawa ko. hindi naman, kahit paano, at uulitin ko, kahit paano ay nag seryoso ako sa aking pag aaral. lalong lalo na nung 3rd at 4th year na ako. syempre ang feeling ko noon, senior na ako, dapat maging mature dahil hindi na ako bata. pero hindi rin pala, pa dudeng lang pala un. :)

naging talagang seryoso kuno ako ng mag kolehiyo na ako. pero aaminin ko at cguro kayo din, kahit paano ay naging mahirap ang mag kolehiyo. paano kasi sa umpisa pa lang hindi ko alam at nakakalito kung ano ba ang kukunin kong kurso noon. pero sa huli at ang unang pinili ko parin ang nasunod. hindi ko alam, kung bakit sa dinami dami na pedeng kong kunin ay ang pagiging Arkitekto pa ang aking napili. cguro dahil narin sa na impluwensyahan o naging insipirasyon sa akin ang tita ko, maxado akong na naintriga dati sa tita ko noong bata pa ako kung bakit halos gabi gabi ay lagi syang puyat  ( oops.. puyat  sa pagawa ng mga floor plans at projects.. kayo ah..nyahehe..)  at lagi na lang nakatutok sa drafting table, sa isip isip ko nga ano kaya pinaggagawa ng tita ko noon.. :)  

kaya pa ba? konting tiis na lang.. matatapos na to. 

noong kolehiyo na ako doon talagang ako naging bihasa sa pagiging kapalmuks, kahit lubos na mahiyain ako ay talagang pinilit kong maging walang hiya. dahil sa kursong napili ko at kahit sa iba pang kurso obligado talaga maging walang hiya kung di magiging kawawa ka pag dating sa mga group projects, lalong lalo na sa kunuha ko, puro overnight pa naman, kakagawa ng mga floorplans, models, drawing sheets at iba pa. sa isip isip ko nga, talaga bang Architecture itong kinuha ko, o Arkitorture. hindi ko akalain na mahirap pala tong kinuha ko.. hindi rin pala biro to, kala ko puro drawing drawingan lang un pala may halong math at calculations din pala ito. doon pa naman ako mahina.. pero ayos lang. masaya din naman ang kolehiyo sa akin, kasi marami din akong nakilalang iba’t ibang klaseng tao. girl,boy,bakla, tomboy,baboy, ipis etc. from different walks of life ika nga. ung mga panahon na yon, natuto ako talaga makisama, maki halobiro kung kinakailangan, ganun.

pero may kasabihan nga na lahat ng bagay ay may kataposan. nakagraduate din ang loko at nasurvive ko din ang mga teror na titser at mga araw’t  gabi kong pagdurusa sa pag gawa  ng thesis, pkiramdam ko e pasan ko ang daigdig talaga, akalain ba naman naisip ng dean namin gawing individual ang thesis? hay.. pero sa wakas natapos din.  kung iisipin ko ang mga ngayari sakin, kung paano ako nag simula at kung ano ako ngayon. masasabing kong walang pahihinayang at ngyari sakin o nadanas ko ang mga un.

tama na to, dami ko pa sana isusulat, pero awat na. hindi na magandang pangitain to pag nag kataon.

salamat at may pasensya ka sa pagbabasa,sa pag bigay oras sa isang katulad ko..( pagbigyan nyo na ko minsan lang to…) makakabawe din po kayo.

thursday nanaman, makakapahinga na ulit… i tenchu,bow.

7 Responses to “back from where I started part 2”

  1. Rhapsody Says:

    uy ’same-same’ tayo heheh… pagdating ng hi-school di na palalabas.. kaya ako namutla hahahah…. nilaro ko lahat yan. congrats at nalusutan mo lahat ng hirap nung college. college ang pinakamasaya for me kahit na mahirap, di ba halos lahat kasi highschool ang gusto..

    anyways, tama ka thursday na naman kaya ang saya saya noh! habang pahinga toh..

  2. dhez Says:

    @ rhapsody – hehehe.. pareho tyo, college din ang pinaka masaya sa akin.. kahit mahirap, mas nag enjoy talaga ako nung college.

    talagang ang saya saya pag thursday!! ;)

  3. Rhapsody Says:

    ei girl i tagged you pala!

  4. Maldito Says:

    sa bahay ko na to basahin ha…ang haba..indi kaya ng time..wahhaha..

  5. dhez Says:

    @ maldito – sabi ko na e! d naman maxado haba e.. nyahahaha.. salamat! :)

  6. carlotta Says:

    lol arkitorture. :D ako kahit kelan di talaga palabas, siguro nung mga 3rd yr college na.

  7. dhez Says:

    @ carlotta – pareho pala tyo e.. nung college na ndi nko lumalabas sa bahay.. thanks sa pagbisita! ;)


Leave a Reply