back from where I started
November 21, 2007
oops oops oops.. hindi ito isang english post. naisip ko lang ang title, wala lang. mejo naging matagal din ako hindi nakapagsulat e, kaya cguro bumabawe lang.
minsan masarap kase balikan ang nakaraan. ang sarap isipin na minsan ay naging bata ka. well, hanggang ngayon naman ay masasabi kong andun parin ang pagka isip bata ko. hindi narin cguro mawawala ang pagiging ganun. naalala ko pa (with matching soundtrack ng maalala mo kaya..) nung grade skul palang ako, wala ata ako ginawa kungdi maglaro at mag enjoy sa pagkabata ko. pag ka uwi ko galing eskwela, magbibihis lang sandali at lalabas ako sa aming bahay para lang makipaglaro. ang mag laro ng chinese garter, pick-up sticks, agawan base, pating tero, taguan, piko, pepsi seven-up ( alam nyo ba un?) at kung anong klaseng game noong araw. Buti na lang at naransan ko ang mga ganun na laro. Hindi na ata uso ang mga gnun hindi ba? kaya nagpapasalamat ako, at kahit paano ay naabotan ko maglaro nun. sa panahon kasi ngayon, ibang klase na ang mga nilalaro ng mga bata ngayon e. sa henerasyon ngayon, ang puro may halong teknolohiya narin ( tama ba tagalog ko nun?) at bihira na lang ata ang naglalaro ng mga ganun klaseng laro. ewan ko kung iba sa inyo ay naabotan(cguro naman..) ang Batibot o Sesame Street na pinapalabas dati sa t.v. im sure kahit paano ay napananuod nyo si kiko matsing, pong pagong, ate sienna, kuya bodjie at si manang bola o kaya naman sina big bird,oscar the grouch, count dracula, grover, bert, ernie, kermit the frog at si ms.piggy. sila kasi ang naging kasama ko at parang kaibigan ko din tuwing umaga at minsan sa hapon. pati nga ung mga ibang kanta nila alam ko pa e.
ang saya nun talaga. ang maligo sa ulan habang, naglalaro, o kaya naman gumawa lang ng bangkang papel o eroplano e tuwang tuwa na ako nun..
~ breaktime muna kaya… baka kase pagod na ang mala beautiful eyes nyo kakabasa e..
~ pero kung kaya pang magbasa, at muka naman wala kayo gaanong ginagawa o sya cge ituloy niyo lang ang pag basa. sa susunod na post ko, kase malapit na uwian dito sa opisina e. ![]()


November 21, 2007 at 5:
uwian na ba? hala til 5:30 lang kayo?
November 21, 2007 at 5:
@ rhapsody – hindi hnggang 6:30 pa nga e, may pinagawa lang sakin.
November 22, 2007 at 4:
ay naku! champion ako sa jackstone!
November 22, 2007 at 6:
tinapang bangus, tinapang bangus, masarap at masustansiya..
November 22, 2007 at 8:
@ jojie – hahaha!! kung meron lng liga sa mga ganyan malamang may trophy kana jojie!
@ carlotta – bangkang papel,bangkang papel.. nyahehehe.. salamat sa pagbisita!