kung may jet lang ako..

November 13, 2007

namiss ko ang Pinas. ewan ko hindi ko alam kung bakit basta bigla na lang ako na homesick. nakakatuwang isipin, kahit andto ang aking mga magulang para bisitahin kami e, namimis ko parin ang Pinas. kung titingnan kasi,  wala na dapat akong dahilan para mahomesick ako dahil andto nga mga magulang ko. Pero cguro iba parin kung nasa Pinas ako. kagabi nga, nagpakabit kami ng orbit pinoy cable sya ng mga kapuso ( cguro gets nyo n anong station sya.) ng makabit iyon, para akong bata  na nanu2od sa t.v. ung tipong napapanganga ako na parang ngayon lang nakapanuod ng telebisyon? ganun ako kagabi. pano kasi mejo kalahating taon narin akong hindi nakakanood ng eat bulaga ang dami narin palang pinag bago ng naturang show. naalala ko pa, walang araw na hindi ko napapanuod ang show na ito, habang kumakain ng tanghalian dyan sa atin. sa isip isip ko nga paano kaya kung pag uwi ko? para cguro akong foreigner sa sarili kong bansa.. (wag naman sana) yon ang kinakatakot ko. paano kasi parang ang dami narin pinag bago cguro satin dyan… ewan ko cguro lang naman..

papaano ko hindi mamimis ang pinas? ang pag kain ng fish balls, kiomai, siomai, lamang loob, isaw,kwek kwek, bituka ng baboy at manok at iba’t ibang klase ng pag kain na bibili sa kalye.. jologs man pakinggan pero kumakain kasi ako ng mga sabihan na nating ‘ pangkanto na pagkain’ ang sarap kaya un, kahit minsan nakakatakot at baka magkasakit ako, pero kahit sabihan na natin jologs e namimili naman ako ng lugar na mapag bibilhan. hindi ko din malimot ang pagsakay ng jeep, tricycle, o kaya bus na may halo pang holdapan..  ang makipagsiksikan sa MRT tuwing papasok ako sa opisina at pati narin pag uwi. ang mga malls sa atin gaya ng trinoma ( tama ba ung spelling? bago lang siya db?) o mall of Asia n hindi ko pa naabotan ikotin man lang bago ako umalis… hindi hamak na mas maganda ang mga pasyalan natin, hindi sa pagyayabang, pero totoo.. dapat lang naman ipagyabang hindi ba? lalo na at parating na ang Pasko, panigurado ay napakasaya dyan satin, kahit na masasabing gumagapang o hikahos sa kahirapan, meron parin saya pag pasko, at kahit paano ay mararamdaman mo ito.

iba parin talaga sa atin, kahit masasabing mahirap ang buhay at sandamukal ang mga problema sa ating bansa, nakukuha parin ng mga pinoy ang tumawa, ngumiti, maging masaya kahit sandali. hindi ba dapat lang na ikamiss ko ang Pinas? ewan ko, nakakalungkot man isipin pero kung kelan ako umalis at nangibang bansa, e tsaka ko lang talaga pinahalagaan ang pagiging pinoy ko. iba talaga tayong mga pinoy, sa totoo lang. lahat ng nangibang bansa ay magegets ako kung bakit sinabi ko ito. wala pa ako  sa kalingkilan kung titingnan sa mga mas nauna pa sakin mga pinoy na nag abroad. Ibang klase talaga tayo pagdating sa determinasyon. hindi talaga tayo pahuhuli sa ibang lahi. ako na mismong pinoy ay saksi nito. ngayon ko lang pinahalagahan ang pagiging pinoy. hindi sa nagpapaka makabayan ako ah, pero hindi nga, dapat lang naman na ipagmalaki natin. kung dati rati ay hindi ko maxado pinapahalagaan o hindi gaano pinapansin ang mga OFWs e ngayon iba na. dahil isa narin ako sa kanila. oo isa akong ganap na OFW at hindi ko ito kinakahiya.

bakit kaya minsan kapag nawala o iniwanan mo_ doon mo lang malalaman ang kahalagaan nito kapag malayo kana? hindi naman ako nagsisi kung bakit nagdesisyon akong mangibang bansa, marami din kasi dahilan na dapat isaisip at  cguro iyon din ang paraan para malaman ko ang kahalagahan ng pinas sa akin.. maarte man tingnan, kung doon ko naman matututong mahalin pa lalo ang pinas sa akin, ay sapat n iyon. 

uuwi din ako, balang araw.. sa ngayon nanamnamin ko muna ang pag mimis ko ating bansa.