ramadan

September 13, 2007

Okay din pala pag nasa ibang bansa ka, kasi marami kang experiences o kultura, tradisyon na malalaman sa bansang pupuntahan mo. Paano kasi, Ramadan ngayon. First time ko lang mararanasan ang tinatawag na Ramadan dito sa Dubai. Ano nga ba ang Ramadan? Kanina ko pa nasusulat ang salitang ito, pero sa ibang mga lahi lalo na kung Muslim ka, ay hindi lang ito basta salita lamang.  Base sa pag tatanong ko, sa mga ka opisana kong pinoy na matagal narin dito sa Dubai, ang Ramadan ay isang tradisyon na gingawa nila kada taon,  eto ung tinatwag bang ” cleansing” o “fasting” nila… Kung baga sa atin, parang Holy Week. Ito ung panahon na bumabalik tanaw sila sa pag fafast ni Cristo..

At dahil isa ito sa importanteng tradisyon na kanilang ginagawa, maraming mga bawal o prohibited na gawin pag Ramadan. Una, talagang bawal ang kumain mula umaga hangang alas singko ng hapon, pero simula ng ala sais ng gabi ay pwede ng kumain. Dito sa opisina, syempre ay bawal silang kumain. Pero kami ditong mga Pinoy, ay pwede naman, basta wag ka nga lang mag papakita sa kanila. Syempre out of respect narin sa kanila. Dahil sa kanila nga ay haram iyon.  Ang haram ay isang arabic na salita meaning: masama o hindi magandang gawin. Maganda din pag Ramadan dahil halfday lang ang pasok ng mga opisina. Mula 8am hanggang 2pm lamang. Di ba ang sarap nun? Isang buwan na ganun ang oras ng pag pasok mo? Mahabang habang pag papahinga ko un!  ;)   Ang alam ko, hindi lang basta fasting ang ginagaw nila, fasting as in wala talaga kahit uminom sila ng tubig hindi pwede. Ultimo nga daw ang paninigarilyo ay pinag babawal din. Mabuti na lang at hindi ako nag yoyosi..  Ang alam ko din, marami pa silang mga ginagawa o tradisyon pag Ramadan nga. Sabi pa nga nga ka opisina ko, mas masaya daw pag katapos ng Ramadan… Dahil, parang pista nila un o celebration ng pagtatapos ng kanilang fasting.. Namimigay daw sila ng pagkain nun eh… Kungbaga sa atin e, malamang parang pasko natin un..

Naku, buti nalang at kumain ako ng heavy breakfast, matagal pa naman ang break time namin… sa kanila wala silang break, pero kami dito ng mga ka lahi ko meron noh kahit sabi nilang wala! salit salitan nga lng kami ngayon at hindi sabay sabay…   Naku back to work na nga pala! ;)

4 Responses to “ramadan”

  1. clare Says:

    hi, napadaan lang to see how you were doing ;)

  2. dhez Says:

    eto ok naman,thanks sa pagbisita.. :)

  3. drew Says:

    ramadan kareem kabayan!

  4. dhez Says:

    ramadan kareem din syo drew! :)


Leave a Reply